Tuesday, April 7, 2009
Waa. Summer Bummer na! Ilang buwan na lang at magiging junior hayskul na ko. Hahaha. Nakaka excite. Pero nakakamiss din.
Parang kelan lang..
nag enroll ako sa UST-EHS. Mega pila pa sa pag kuha ng Entrance Exam. Ayun. Daming human beings sa paligid ko. Iba’t ibang klase. Pero wala akong pake sa kanila. Iniisip ko lang dapat makaakyat na para makatest na. Tapos nakita ng tita ko na may mga nanay don na nagbibilihan ng pagkaen para sa mga anakers nila. Tinanong niya ko kung gusto ko din, sabi ko ayaw ko. Baka di ako makasagot kase iisipin ko lang pagkaen! Haha. Tapos, bored na ko. Chinika ko yung nasa likod ko. Friendly ako e. J Tinanong niya grades ko, edi pinakita ko nung elem. Tas pinakita ko, tinanong ko syempre sakanya. Ayun, nung makita ko!! WTH?! Yabang neto a. Hahaha. Mababa ba yung 90?! Kaya di ko na siya kinausap. Haha.
Tapos ayun.. pinaakyat na. Bonggang dasal ang ginawa ng lola niyo! Haha. Tapos na test. Watda. Mejo sabog utak ko dun. Mejo lang. Habang bumababa, simangot effect pa ko. Lapit agad ako sa tita at lola ko. Kapit sa damit nila. Yabang ko pa. Haha. “Sus. Hirap ng test pero kayang kaya.” Haha. Sabay tanong na, “Nay ano ba yung ulambon tsaka tampipi?” Waa. Hirap ng Filipino. (Mahina talaga ako sa Filipino. Kasumpa sumpa!) Tawa sila. Tapos ayun, lakwacha mode na kami. Ilang weeks pa, makikita na yung results! Tapos, punta na kaming USTe. Dahan dahan yung finger ng tita ko.
“D..
D..
De..
Dela Cruz..
Dela Cruz, Milca Areli B.”
Bengga! Pasado ko sa test. Haha. DI ako waiting list. J Saya. Balik daw para sa interview. Ayun, weeks na naman. Tapos INTERVIEW NA!!! Tinuruan nila ko pano sumagot, kunware kineg ako.
Tas dumating na yung araw ng interview. Maygass. Hapon na. USTe na. Tapos tinuro kame nung kuya kung san kame dapat pumunta! Tapos ayun, may naghihintay. DUG-DUG-DUG-DUG na ang litanya ng heart ko! Tapos ayun naaaa. Ako na sunod! Si Atty. Bunquin yung nag interview. Good afternoon blah-blah! HINDI AKO NAG-ENGLISH SAKANYA! GOODAFTERNOON LANG YUNG TANGING ENGLISH NA NASABE KO. PERO CONFIDENT AKO SA LAHAT NG SAGOT KO. Pinakanta pa ko! Haha. Tapos na. Nung pababa na kame, may nakasalubong kameng mag mudra,
MUDRA: Mag English ka ha. Mag goodafternoon ka.
ANAK: Opo.
Tas sabi ng tita ko, “O. Nag good afternoon ka ba?” Opo, sagot ko. Pero di ako nag English ta!, dagdag ko. Nagulat yung tita ko.
Pinabalik na lang kami para makita yung results!
Weeks na naman! Puntang USTe ulit! ;)
“D..
D..”
"Nak, wala ata pangalan mo a.” sabi ni tita..
Ulet, ulet.
“D..
De..
Dela Cruz, Milca Areli B.”
“NAK PASOK KA!!”
At niyakap ako ng tita ko. Tinawagan na ang angkan namen. Haha.
Tapos ayun, enrollment na.
Responsibility daw section ko. Tae. Haba ng pangalan, pero carry naman. Tas ayun, First day. June 04, 2007. Waa. Wala akong kilala. Umupo ako sa tab eng unknown humans. Tas nakipagfriends ako, siya daw si Caryl. Siya daw si Larizza. Ayun. Tumagal tagal. Friendships na kame!! Daming friends. Nakalabas na ko sa nutshell ko. Haha.
Yan..
kalokohan ko nung first year. :)) 
Eto pa ang..
1-R. 1-Responsibility!

Eto pa, kasama ang aking bespren na si Jonah Joy. :)

Ayon. Second year awaits na pala ang drama ko! :)
Second year na ko. Ang bilis a. Maam Ribleza daw adviser. Waa. Scary. Dati lang, may ribles drill pa kame, may human being sa labas na titingin kung andyan na si maam. Haha. Tas siya pala adviser. June 04,2008. Hinitay ko si Jonah, kasabay ang freshman na si Zoe. Tas ayun. Pasok na ng building, punta sa new room at nagingay! Yey. Tas dumating si maam, inayos ang seating arrangement. Katabe ko si Justin Jun S. Floresca! Haha. Tas ayun..
Eto na pala kame ngayon,
2-RESPONSIBILITY!


Syempre, kasama ko parin si bespren.

Tapos.. ang aking mga bagong kaibigan! :))Na nakasma ko lang naman nung filed trip, tapos *chenen!* click agad!

Gumawa gawa pa kame ng storya at eto.. *chenen!*
Ako pati ang aking kasyosyo sa negosyo na si JANE.


Ang mga anak ko na si Genica (jewel na name niya, pwede ding Jiji) at si Himboy. :))

Genica..

Himboy. :)

Eto pa, si bespren na naging si yaya. Macabebe. :))

At ako, kasama ang pusa kong si Merki. Haha. :)) Ako lang ang nagpangalan sa kanya, inspired sa pangalan ng pusa ni bespren na, Cirque.

At ang contoversial kong anak at kasyosyo. Na tila'y may nabubuo na something. Haha. :))

Kasama din pala si papi. :)

Eto pa si BEASTPREN AXL..

At kung sino-sino pa. :]





At ayan. ;)
Sana sa susunod na taon, kumpleto padin kame.
Juniors na kame. Woohoo! Goodluck na lang sa minamahal kong SOON TO BE 3R!!


ex.o.ex.o♥♥♥Labels: first year, kaibigan, kalokohan, pamilya, sophomores
Got a COMIC Hero Character ?
4:47 AM